GUMALING na ang mga bata na tinamaan ng hand-foot-and-mouth disease sa Bicol Region.
Iniulat ni Dr. France Geñorga, Program Coordinator, Infectious Disease Cluster, DOH Region 5 na nakarekober na sa sakit ang 327 cases sa rehiyon.
Ayon kay Geñorga, karamihan sa mga ito ay mild cases lamang.
Sinabi ni Geñorga na pinakanaapektuhan ng nasabing sakit ay ang Sorsogon na may 255 cases sumunod ang Masbate na may 47 cases, Catanduanes na may 10 cases, Albay na may 8 cases at Camarines Sur na may 4 cases.