Higit 37K pampublikong paaralan, handa na sa 2022 elections – DepEd

Higit 37K pampublikong paaralan, handa na sa 2022 elections – DepEd

HANDA na ang mahigit 37,000 pampublikong paaralan na gagamitin bilang polling precincts sa May 9, 2022 elections.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Public Affairs Office Director Marcelo Bragado, handa na rin ang mga guro na magsilbi bilang board of election inspectors matapos sumailalim sa training.

Sinabi ni Bragado na magsasagawa ang mga paaralan na ito ng testing at sealing ng vote counting machines sa Mayo 2 hanggang 7.

Tiniyak naman ng DepEd official na ipatutupad ang health protocols laban sa COVID-19 sa mga paaralan sa kasagsagan ng halalan.

Una nang sinuspinde ng DepEd ang pasok sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan mula Mayo 2 hanggang 13 dahil sa election related activities.

 

Follow SMNI News on Twitter