Higit 400 na barangay sa Metro Manila, nanganganib sa baha—MMDA

Higit 400 na barangay sa Metro Manila, nanganganib sa baha—MMDA

AABOT sa halos 400 mga barangay sa Metro Manila ang maaapektuhan ng baha sa posibleng dulot ng Bagyong Betty at habagat.

Ito ay batay sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa naturang bilang, higit 100 barangay ay mula sa Caloocan, higit 100 barangay din sa Quezon City at Maynila, 32 sa Valenzuela, 14 sa Malabon, 13 sa Navotas at isa sa Pasig City.

Ang datos ay kasunod sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na inaasahang aabot sa 50 millimeter ang babagsak na ulan Metro Manila dulot ng bagyo.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, kahit hindi mag-land fall ang Bagyong Betty ay hihigupin nito ang hanging habagat na magdadala ng ulan na posibleng magdulot ng baha.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter