Higit 5-K aplikante, nakilahok sa Philippine Tourism Job Fair

Higit 5-K aplikante, nakilahok sa Philippine Tourism Job Fair

UMABOT sa higit 5,000 mga aplikante ang nakilahok sa unang araw ng Trabaho, Turismo, Asenso Philippine Tourism Job Fair ng Department of Tourism (DOT) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa kabuuang bilang na 5,174 na aplikante, nasa Cebu City ang pinakamaraming lumahok na umabot sa 3,074.

Sinundan naman ito ng Maynila na may 1388 na aplikante at sa Davao na may 714.

Umabot naman sa higit isang libo ang walk-in sa nasabing job fair at 80 ang na-hired on the spot.

Tatagal ang job fair sa SMX Convention Center sa Pasay hanggang September 24 habang matatapos naman sa SM City Cebu at Abreeza Mall sa Davao ngayong araw.

Follow SMNI NEWS in Twitter