HINDI na muna pinayagang makabiyahe ang higit 600 rolling cargoes dahil sa Bagyong Kristine ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Ang rolling cargoes ay ang mga truck na may kargang iba’t ibang produkto na isinasakay sa mga RoRo at barko.
Kasabay pa rito ay ang mahigit 600 pasahero na stranded sa Manila North Harbor.
Sa Batangas Port na may mahigit 100 pasaherong stranded ay kanselado na rin ang mga biyahe.
Payo ngayon sa publiko, alamin muna ang bagong schedule ng mga biyahe ng shipping companies bago magtungo sa mga port o pantalan.