Higit 900,000 doses ng Pfizer vaccine, dumating na sa bansa

Higit 900,000 doses ng Pfizer vaccine, dumating na sa bansa

DUMATING na sa bansa ang higit 900,000 doses ng Pfizer vaccine.

Habang ang higit 800,000 doses ng AstraZeneca at higit 1-M doses ng Pfizer vaccine nakatakda naman dumating ngayong-araw sa bansa.

Nasa kabuuang 939,510 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine ang dumating na sa bansa kahapon na binili ng Pilipinas.

Ang mga naturang bakuna ay lulan ng Air Hongkong Flight lD 456 na lumapag na sa Terminal -3 ng Ninoy Aquino International Airport kung saan ibinababa ang nasa kabuaang 862,290 doses ng Pfizer kagabi.

Habang nauna nang dumating sa Cebu ang higit 70,000 doses nito kahapon.

Ayon kay NTF against COVID-19 chief Implementer and Vaccine Czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr. sa kabuuan, mahigit 88 million doses na ng bakuna ang dumating sa bansa simula nitong Pebrero.

Samantala, ngayong-araw nakatakdang dumating naman ang kabuuang 844,800 doses ng AstraZeneca na sakay naman ng Emirates Airlines Flight EK 33 at inaasahang lalapag ito mamayang alas 4:15 ng hapon sa NAIA Terminal -3.

Habang ang kabuuang 1,068,210 doses ng COVID-19 vaccine ay darating din mamayang gabi.

Tinatayang alas 9:20 ng gabi ang pagdating ng 926,640 doses ng vaccines na lalapag sa NAIA Terminal -3 pa rin habang ang 141,570 doses nito ay idederetso sa Cebu na pawang lulan ng Flight ID 456.

Ang 64,350 doses nito ay lilipad bukas ng umaga patungo naman ng Davao.

SMNI NEWS