Higit P1-M halaga ng shabu, nasabat sa Rizal

Higit P1-M halaga ng shabu, nasabat sa Rizal

NASAMSAM ng pulisya ang mahigit 1 milyong pisong halaga ng iligal na droga sa operasyon sa Sitio Culasisi, Barangay San Luis, Antipolo City, Rizal.

Ayon kay Rizal Police Provincial Director Police Colonel Dominic Baccay, nahuli sa nasabing operasyon ang high-value individual na kinilalang si Rico Abit, alyas Christian, 29 taong gulang at nakatira sa Quezon, City.

Aabot sa 150 gramo ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mga awtoridad sa suspek.

Dinala na ang ebidensiya sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Habang nakapiit na ang suspek sa Antipolo Custodial Facility na mahaharap sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Tiniyak naman ni Police Colonel Baccay na patuloy na magsisigasig ang pulisya upang mahuli ang mga tumatangkilik at nagbebenta ng iligal na droga sa probinsiya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter