NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P3.5-M halaga ng droga matapos ang isinagawang operasyon sa Talisay City, Cebu.
Sa ulat kay PNP chief Police General Dionardo Carlos, nahuli sa anti-illegal drugs operation ang suspek na kinilalang si John Casper Puyat Macaalay, 21 taong gulang.
Tumitimbang ng 525 gramo ang nakuhang hinihinalang shabu sa suspek.
Maliban dito, nakumpiska rin ang isang cal. 22 revolver at buy-bust money.
Agad na dinala sa tanggapan ng Drug Enforcement Unit sa Talisay City Police Station ang suspek para sa documentation at proper disposition.
Tiniyak naman ni Carlos na sisikapin niyang masugpo at tuluyang wakasan ang iligal na droga na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan sa tulong ng mga komunidad.