Higit P52-M, iniwang pinsala ng malakas na pagyanig sa Abra –NDRRMC

Higit P52-M, iniwang pinsala ng malakas na pagyanig sa Abra –NDRRMC

UMABOT na sa mahigit 52 milyong piso ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ng magnitude 6.4 na lindol sa Abra.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes, Oktubre 27, kung saan 125 imprastraktura ang naapektuhan.

Sa nasabing bilang, 65 imprastraktura ang napinsala ng lindol sa Ilocos Region na nagkakahalaga ng mahigit 21 milyong piso.

Habang 27 imprastraktura ang naapektuhan sa Cagayan Valley na nagkakahalaga ng 768,000 piso at 33 imprastraktura sa Cordillera Administrative Region (CAR) na nagkakahalaga ng mahigit 30 milyong piso.

Samantala, 1,821 kabahayan din ang napinsala ng pagyanig.

Follow SMNI News on Twitter