IPINAHATID ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagkainis nito dahil sa kawalan ng sportsmanship sa nangyaring court violence na ipinamalas ng Jose Rizal University (JRU) forward na si John Amore sa kalagitnaan ng laro nito laban sa College of St. Benilde ngayong linggo.
Nang tanungin ito ni Senador Joel Villanueva kung ano ang dapat na gawin ng Philippine Sports Commission (PSC) kapag nangyayari ang mga insidenteng ito, tumugon si Go na nais niyang suntukin si Amore.
Giit ni Go, isinusulong nila ang sportmanship at fan siya ng basketball kung kaya’t ikinalulungkot niya ang nangyari at wala aniyang lugar sa loob ng court ang bayolenteng manlalaro.
Ani Go, pinaaalalahanan nito ang NCAA at Samahan ng Basketball ng Pilipinas na magbalangkas ng preventive measures upang masigurong hindi na mauulit ang mga ganitong klaseng insidente.
Sinabi rin ng senador na nakatutok ang PSC sa mga gagawing aksyon ng National Sports Association ngunit gagawin din nito ang supervisory rights nito sa amateur sports sa nangyaring insidente.