Hiwalay na imbestigasyon sa alegasyong taga-Bilibid ang kumontrata para patayin si Percy Lapid, agad na sisimulan

Hiwalay na imbestigasyon sa alegasyong taga-Bilibid ang kumontrata para patayin si Percy Lapid, agad na sisimulan

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na agad sisimulan ang parallel investigation kaugnay sa salaysay ni Joel Escorial na taga-loob ng Bilibid ang kumontrata sa kanila para patayin si Percy Lapid.

Kaugnay nito ay wala namang deadline kung kailan dapat matapos ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang umano’y mastermind at nagbayad sa grupo ni Escorial.

Kasabay naman ng isasagawang imbestigasyon ay makikipagpulong si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kay DILG Secretary Benhur Abalos para makakuha ng iba pang mga detalye.

Samantala kakausapin din ni Remulla si Bureau of Corrections Director General Gerard Bantag na kabilang din sa magsasagawa ng imbestigasyon.

Umaasa naman ang DOJ na matutukoy ang utak sa krimen para mapanagot ito sa batas at mabigyan ng hustisya ang mga naulila ni Lapid.

Follow SMNI NEWS in Twitter