POSIBLENG may masasampolan na at makukulong ngayon kaugnay sa isyu ng hoarding ng mga suplay ng bigas.
Nilinaw ni Cong. Erwin Tulfo ng ACT-CIS Party-list sa panayam ng SMNI News na ipinoproseso nalang nila ang lahat na dokumento ukol dito.
Ipinangako rin ni Tulfo na hindi matatapos ang mga isinasagawa nilang raid sa iba’t ibang warehouses hangga’t walang masampolan subalit depende pa rin sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Nitong Miyerkules, Agosto 30 ay surpresang tinungo ng Bureau of Customs (BOC) ang apat na bodega ng bigas sa Balagtas at Bocaue, Bulacan.
Nasa 150-k na sako ng bigas ang nadiskubre mula dito at ilang buwan nang naka-imbak.
Ngayon ay pansamantalang kinandado ng BOC ang apat na warehouses sa Bulacan.