ARESTADO ng pulisya ang isang holdaper na bumiktima sa isang lalaki sa Antipolo City.
Kinilala ni Police Colonel Rainero de Chavez, Officer-in-Charge ng Antipolo City Police ang suspek na si Jeffrey Montes, 34 taong gulang.
Sa paunang imbestigasyon, naglalakad pauwi ang biktima na si Ramon Abalos, Jr. nang harangin ng suspek at tinangay ang cellphone ang nagkakahalaga ng 5,000 piso.
Agad nagsumbong sa pulisya ang biktima kaya isinagawa ang hot pursuit operation.
Matapos matunton ang suspek ay pinaputokan nito ang mga pulis na napilitang gumanti ng putok.
Tinamaan ang suspek sa kaliwang paa na kalaunan ay dinala sa pagamutan.
Nakuha sa suspek ang isang .38 handgun, apat na live ammunition; at cellphone ng biktima.
Inihahanda na ng pulisya ang kakaharaping reklamo ng suspek.