Mahigit 200 estudyante, lumahok sa ginawang information awareness drive ng 80IB

Mahigit 200 estudyante, lumahok sa ginawang information awareness drive ng 80IB

ISINAGAWA ng 80th Infantry Battalion (IB), Mobile Community Support Sustainment Team (MCSST) sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP)-Antipolo City ang isang Information Awareness Drive sa mga mag-aaral ng Kaysakat National High School sa Brgy. San Jose, Antipolo, Rizal.

Ang aktibidad ay nilahukan ng mahigit 200 Senior High School students ng Kaysakat NHS mga opisyal ng nasabing paaralan, kapulisan. at kasundaluhan.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ay ang Anti-Terrorism Act of 2020, Deceptive recruitment ng Communist Terrorist Group at kasama ang mga gawaing terorismo nito sa mga estudyante/kabataan.

Kabilang din sa tinalakay ay ang Philippine Army Recruitment at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang info drive ay naglalayong turuan ang mga mag-aaral/kabataan at imulat sila sa mga kasinungalingan at panlilinlang ng CTG na maaaring mag-ambag sa pagpigil, pagpasok at pag-oorganisa ng CPP-NPA-NDF sa sektor ng estudyante, at upang ipalaganap ang tamang impormasyon ng pamahalaan tungo sa kapayapaan at kaunlaran.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble