Hostages ng Hamas, malinaw na nagkaroon ng “sexual violence”—UN

Hostages ng Hamas, malinaw na nagkaroon ng “sexual violence”—UN

MALINAW na nagkaroon ng sexual violence sa mga na-hostage ng Hamas militant group ng Palestine.

Ayon kay UN Special Representative to the Secretary General na si Pramila Patten, nalikom niya ito na mga ebidensiya matapos sa dalawa at kalahating linggo na pagbisita sa Israel at West Bank.

Nasa 34 katao na survivors, witnesses at hostages ang kumpidensiyal na nakapanayam ng UN para dito.

Mayroon ring 5-K larawan ang kanilang pinag-aralan at mahigit 50 oras na footage ang pinanood.

Mula rito, ay iminungkahi ni Patten na magkaroon na ng ceasefire upang maprotektahan din ang nananatili pang hostage.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble