HPV Immunization program, inilunsad sa Makati City

HPV Immunization program, inilunsad sa Makati City

INILUNSAD sa lungsod ng Makati ang School-Based Immunization program laban sa Human Papilloma Virus (HPV).

Ginanap ang bakunahan sa Makati Coliseum, Brgy. La Paz ngayong araw, Hunyo 13, 2023.

Magkatuwang sa HPV vaccination program ang Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd) at lokal na pamahalaan ng Makati City.

350 babaeng mag-aaral mula sa tatlong public elementary school ng lungsod ang makakukuha ng HPV vaccine.

Ang HPV vaccine ay ang isa sa pangunahin at mabisang panlaban sa cervical cancer at iba pang sakit na dulot ng HPV.

Ideyal na inirerekomendang ibakuna sa edad 9-14 ang HPV vaccine dahil mayroong malakas na resistensiya ng katawan na may magandang pagtanggap sa bakuna ang ganitong mga edad ng kabataan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter