MATAPOS ang 12 taong paghihintay para sa hustisya, nakamit na rin ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) President Arsenio Evangelista ang hustisya para sa kaniyang anak na si Venson Evangelista.
Hindi napigilang maging emosyonal ng isang ama nang ibahagi nito ang kaniyang naging karanasan sa loob ng 12 taon na paghahanap ng hustisya para sa kaniyang anak.
Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay Evangelista, ibinahagi nito ang mga naging hamon matapos ang mahabang panahon ng paghihintay para sa hustisya sa anak nito.
Sariwa pa rin sa kaniya ang masalimuot na alaala ng sunog na katawan ng kaniyang anak.
Matatandaang January 14, 2011 nang matagpuang sunog at halos hindi na makilala ang katawan ng car dealer na si Venson Evangelista malapit sa isang kanal sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Kung saan ang ‘Dominguez Carjacking Gang’ ang nasa likod ng krimen.
Ipinunto naman ni Evangelista ang mga nakita nitong butas sa hustisya ng VACC.
Samantala, sinabi naman ni Evangelista, na gaya ng food security, inflation rate, at iba pa, ay maituturing na malaking hamon din ang kinahaharap ngayon ng kalagayan ng bansa pagdating sa peace and order.
Kaya panawagan nito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang pagsama ng usapin ng ‘peace and order’ para sa susunod nitong State of the Nation Address (SONA).