Hustisya para sa mga biktima ng CTGs, ipinanawagan ni Sen. Tolentino

Hustisya para sa mga biktima ng CTGs, ipinanawagan ni Sen. Tolentino

KASABAY ng anibersaryo ng CPP, nanawagan ng hustisya si Senator Francis Tolentino para sa mga pamilya at kaanak ng mga biktimang napaslang ng komunistang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic (CPP-NPA-NDF).

Ito ay kasabay ng paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng CPP kahapon, Disyembre 26.

Ani Sen. Tolentino, dapat ay tanggapin na ng CPP-NPA-NDF na mali ang landas na kanilang pinapasukan at sila ay nakasisira sa kasaysayan ng ating bansa.

Samantala pabor naman si Sen. Tolentino sa suhestyon ng dating kadre na si Ka Eric Celis na bumuo ng Historical Truth Commission upang maituwid ang baluktot na ginawa ng CPP-NPA-NDF sa ating kasaysayan.

Isa si Sen. Tolentino sa mga senador na kumukondena sa CPP-NPA-NDF.

Sa katunayan, siya ang nagmungkahi na ideklara ng sinomang kandidato na magfa-file ng certificate of candidacy kung mayroon silang kamag-anak na kasama sa CPP-NPA-NDF, at siya rin ang naglunsad ng ROTC Games upang mas mapaigting ang ROTC sa pamamagitan ng sports.

Follow SMNI NEWS in Twitter