Sen. Tolentino, suportado ang pagsasagawa ng auditing sa COVID vaccine procurement ng bansa

Sen. Tolentino, suportado ang pagsasagawa ng auditing sa COVID vaccine procurement ng bansa

MALAKI ang suporta ni Senator Francis Tolentino sa pagsasagawa ng audit hinggil sa binibiling COVID-19 vaccine ng bansa.

Ayon sa senador, malaki ang inilabas na pondo para sa pagbili ng bakuna kaya kailangan itong mai-audit.

Tinatayang aabot sa P115-B ang nagamit na pera para sa mga bakuna at batay sa huling update, 44-M doses na ng bakuna ang nasayang.

Sinabi ni Tolentino na pinapayagan ng World Health Organization (WHO) ang 10% vaccine wastage subalit sa Pilipinas, kung susuriin, ang 44-M na nasayang ay katumbas ng 17%.

Samantala, hindi naman tutol ang Department of Health (DOH) kung magsasagawa ng special auditing sa COVID vaccine procurement.

Follow SMNI NEWS in Twitter