Iba’t ibang Christmas Village, ibinibida sa probinsiya ng Romblon

Iba’t ibang Christmas Village, ibinibida sa probinsiya ng Romblon

ILANG araw na lang ay Pasko na kaya naman mas dumadami pa ang mga paandar na disenyo lalo na sa lalawigan ng Romblon.

Christmas Village na mala-Winter Wonderland ang tema, tampok sa San Andres Romblon

“Christmas Village na mala-Winter Wonderland” ang tema ng Pasko sa bayan ng San Andres, kung saan enjoy mapa-bata o matanda man sa pagpapa-picture at ma-experience ang snow.

Sentro sa atraksiyon ang kanilang giant Christmas Tree na may taas na 20 feet. napapalamutian ito ng mga Christmas ball at asul na Christmas lights.

Tampok din sa Christmas Village ang iba’t ibang replica ng mga bahay sa ibang bansa.

Sa labas naman ay may food bazaar para sa mga gustong mag food trip.

“Christmas Carnival”, tema ng Pasko sa Alcantara, Romblon

“Christmas Carnival” ang tema ng mga dekorasyon sa public plaza ng bayan ng Alcantara.

Tampok dito ang iba’t ibang dekorasyon na madalas makikita sa isang carnival tulad ng Ferris wheel, carousel, roller coaster, at maraming iba pa.

Sa labas ng plaza, makikita ang napakalaking Christmas arc.

Sentro sa atraksiyon ang giant Christmas tree na kahawig ng isang malaking carnival house. Tinatayang may taas itong 40 feet.

Higanteng Christmas Tree na gawa sa plastic bottles, tampok sa Looc, Romblon

Paskong-Pasko na nga sa bayan ng Looc sa lalawigan ng Romblon kung saan bida ang kanilang giant Christmas tree na gawa sa mga plastic bottle.

Sentro ng atraksiyon sa public plaza ng Looc ang sinasabing 90-foot-tall Christmas Tree na binuo ang katawan mula sa 2,143 na plastic bottles.

Nasa ilalim naman ng puno ang isang Belen.

“Pag-iingat sa Kalikasan” ang tema ng nasabing bayan ngayong taon.

Bida rin sa park ang 12 malalaking parol na nagrerepresenta sa bawat barangay ng bayan.

Gawa ito sa mga indigenous material at recyclable materials.

Ugbo Street Food at Night Market sa Looc, Romblon, patok sa mga mahilig mag-food trip

Samantala, pagkatapos bumisita sa plaza ay maaaring mag-food trip sa street food and night market ng nasabing bayan na tinatawag na Ugbo.

Nasa 42 stalls ang nagtitinda sa isang lugar na may kasama pang musika habang namimili at kumakain.

Libreng pasyalan ang mga nasabing Christmas theme-park at magtatagal ito hanggang sa Bagong Taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble