Vietnam at Malaysia, pumirma ng MOU para palakasin ang depensa ng isa’t isa

Vietnam at Malaysia, pumirma ng MOU para palakasin ang depensa ng isa’t isa

NAGTUNGO sa Hanoi Vietnam ngayon ang defense minister ng Malaysia para sa tatlong araw na working visit at pakikipag-usap sa Vietnamese counterpart nito.

Ang dalawang defense ministers ay lumagda ng Memorandum of Understanding on Defense Cooperation matapos ang kanilang high level talks.

Minarkahan ng MOU na ito ang dedikasyon ng dalawang bansa tungo sa mas matatag na regional security at collaborative defense strategy.

Bumisita ang Malaysian Defense Minister mula Disyembre 3 hanggang 5 kasabay ng imbitasyon ng Vietnamese counterpart nito.

Ang Malaysia at Vietnam ay mayroong pagkakaparehas sa kultura at kasaysayan nito at parehong aktibong miyembro ng ASEAN.

Ang dalawang bansa ay nagkaroon din ng kasunduan na doblehin ang bilateral trade nito sa halagang 18 bilyong dolyar sa taong 2025.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble