Iba’t ibang pro-transport sectors, hindi sasama sa tigil-pasada sa Lunes

Iba’t ibang pro-transport sectors, hindi sasama sa tigil-pasada sa Lunes

KINUMPIRMA mismo ni Ka Obet Martin ng Pasang Masda ang kanilang pagtutol sa nakatakdang tigil-pasada sa darating na Lunes Oktubre 16, 2023.

Ani Martin, walang dahilan aniya para suportahan ang nasabing transport strike bagkus hinimok nila ang iba pang kasamahan sa transportasyon na intindihin o unawain at pag-usapan na lang nang maayos ang mga nakikitang iregularidad sa mga polisiya tungo sa mas maayos na sektor ng transportasyon sa bansa.

Giit ng Magnificent 7, pagod na sila sa pagsasagawa ng transport strike at aminado sila na nagdudulot lamang ito ng malaking abala sa mga mananakay at sa publiko.

Nauuna nang nagpahayag ang grupong Manibela sa pangunguna ng chairman nito na si Mar Valbuena ng malawakang tigil-pasada ng kanilang grupo sa Lunes bilang sagot sa ibinulgar na malawakang korupsiyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ang Magnificient 7 ay binubuo ng transport group na kinabibilangan ng Pasang Masda LTOP, Stop N Go, FEJODAP, ALTODAP, PISTON at ACTO.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter