NAKATUON ngayon ang ilang sangay ng pamahalaan sa nagbabadyang epekto ng El Niño sa bansa.
Dahil dito, inihain ni Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar, ang House Resolution No. 1024.
Kung saan, magkakaroon ng collaborative actions ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang mabawasan ang magiging epekto ng El Niño.
Sa ilalim ng panukala, magiging kaisa ng pamahalaan ang House Committees on Agriculture and Food at Energy sa pagbibigay tugon sa magiging epekto nito.
Sa huling ulat, inaasahang magiging matindi ang epekto ng El Niño sa unang kwarter ng 2024.