NAKAHANDA na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ilatag kay Defense Secretary Gilbert Teodoro ang kanilang mga programa.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Assistant Secretary Raffy Alejandro, kabilang sa tatalakayin nila sa Kalihim ang ginagawang paghahanda ng ahensiya sa posibleng epekto ng El Niño sa bansa.
Nabatid na pinagtutuunan ng pansin ng NDRRMC sa paghahanda sa El Niño ang mga usapin sa pagkain, tubig, kalusugan, enerhiya at pampublikong seguridad.
Iginiit pa ni Alejandro na hindi na sila bago ang liderato ni Teodoro na dati nang nagsilbing Chairman ng National Disaster Coordinating Council sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa ngayon, hinihintay pa ang mga programa na magiging prayoridad ni Teodoro sa Defense Department at Civilian Bureaus.