SA isang panayam, nitong Huwebes, March 16, 2023, matapang na binalaan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pamunuan ng International Criminal Court (ICC) na nais manghimasok sa hurisdiksiyon ng Pilipinas.
Matatandaang nais ituloy ng International Criminal Court ang kanilang pagsisiyasat sa isyu ng drug war campaign ng nakaraang administrasyon.
Giit ng kalihim, kung itutuloy ng ICC ang kanilang hakbang sa bansa, posibleng hindi nito ikatutuwa ang gagawin ng Pilipinas laban dito.
Sa ngayon, napagdesisyunan ng Pilipinas na umapela sa huling pagkakataon sa International Criminal Court na huwag nang ituloy ang kanilang imbestigasyon sa bansa.
Bagamat hindi na idinetalye ni Remulla ang kaniyang plano pero tiyak aniya na hindi magugustuhan ng ICC ang magiging resulta ng sinasabi nitong aksiyon ng Pilipinas kung hindi sasang-ayon ang International Criminal Court sa apela ng bansa.