MAGSASAMPA ang International Criminal Court (ICC) ng dalawang kaso laban sa mga opisyal ng Russia dahil sa pag-atake at pagsakop nito sa Ukraine ayon sa New York Times.
Sa nasabing ulat, sinabi ng New York Times na ang unang kaso ay kinasasangkutan ng umano’y pangunguha ng Russia sa mga kabataan sa Ukraine na ipinadala ang mga re-education camps.
Ang ikalawang kaso naman ay patungkol umano sa walang tigil na pag-atake ng puwersa ng Russia sa mga civilian infrastructure ng Ukraine.
Maglalabas din ang ICC ng arrest warrant para sa ilang opisyal ng Russia ngunit hindi naman ito nagbigay ng pangalan at kung kailan ito magsasampa ng kaso.