ICC, mahihirapan sa gagawing imbestigasyon kung walang tulong mula sa PNP, NBI—Atty. Roque

ICC, mahihirapan sa gagawing imbestigasyon kung walang tulong mula sa PNP, NBI—Atty. Roque

MAHIHIRAPAN sa gagawing imbestigasyon kung walang tulong mula sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang International Criminal Court (ICC).

Ayon ito kay dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque kasunod ng pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa apela ng Pilipinas na huwag na nitong ipagpatuloy ang pag-imbestiga sa drug war campaign ng Duterte admin.

Ito’y matapos magpahayag ng PNP na hindi ito makikipag-cooperate sa ICC dahil wala naman itong hurisdiksiyon sa bansa lalo na’t matagal nang kumalas ang gobyerno dito.

Una na ring inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at ng Department of Justice (DOJ) na hindi ito makikipagtulungan sa ICC dahil kayang-kayang imbestigahan ng bansa ang drug war campaign sakali mang may pagmamalabis talaga na nangyari dito.

Sinabi rin ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na walang tagapagpatupad ng batas ang ICC dahil wala itong sariling police force.

Samantala, hinggil naman sa warrant of arrest na planong ipalalabas laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sinabi ni Atty. Roque na wala rin itong kahihinatnan.

Sa katunayan pa ani Roque, napakaraming tao sa mundo ang hindi sakop ng ICC.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter