INILUNSAD ang ika-153 Malasakit Center sa overseas Filipino workers (OFW) Hospital and Diagnostic Center, San Fernando, Pampanga na personal na dinaluhan ni Senador Christopher “Bong” Go.
Sa ginanap na seremonya, sinabi nito na ang pagpapatuloy at pagpapabuti ng healthcare system sa bansa at pagtataguyod ng kapakanan ng mga OFW at kanilang mga pamilya ay pagtupad sa pangako nila ni former President Rodrigo Roa Duterte.
Maliban dito, namahagi rin ng shirts, masks, vitamins at meals sa 49 outpatients at 194 medical frontliners si Sen. Go.
Samantala, nagpaabot ng tulong pinansyal ang DSWD sa mga outpatient at 89 iba pang rank-and-file na empleyado ng ospital.
Ito na ang pangatlong Malasakit Center na nailunsad sa probinsya.