SINABAYAN ng mga opisyal ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom), enlisted personnel, at civilian human resources ang buong Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ginawang komemorasyon ng ika-34 na AFP Code of Conduct Day na ginanap sa headquarters ng EastMinCom, Naval Station Felix Apolinario, Panacan, Davao City.
Sa nasabing seremonya, pinangunahan ng acting commander ng Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) na si Capt. Junjie Tabuada ang simultaneous renewal ng Pledge of Allegiance ng lahat ng personahe sa AFP Code of Conduct.
Ang nasabing hakbang ay upang muling siguruhin ang dedikasyon ng lahat ng miyembro ng AFP sa kanilang core values at mission.
Habang si LtGen. Luis Rex Bergante, commander ng EastMinCom ang nagbasa ng mensahe ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na kung saan binigyang-diin nito na kinakatawan ng AFP Code of Conduct ang dangal, serbisyo, at makabayan.
Follow SMNI News on Rumble