Ika-4 na batch na mga Filipino repatriates mula Gaza, dumating na

Ika-4 na batch na mga Filipino repatriates mula Gaza, dumating na

EKSAKTONG 4:21 ng hapon nang lumapag ang eroplano ng Qatar Airways Flight QR 932 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal-3 kung saan sakay ang nasa kabuuang 19 katao mula Gaza ang dumating na sa Pilipinas, araw ng Miyerkules.

Ang mga naturang repatriates ay binubuo ng 13 Filipino national kasama na rito ang pitong menor de edad at anim na Palestinian national.

Sinalubong sila ng mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay Asec. Cortes, sa huling tala nasa kabuuang 102 Pilipino at 20 Palestinian ang tinulungan ng pamahalaan na makauwi ng bansa.

Sa bilang na ito may apat na pamilya ang kasalukuyang tinutulungan ng pamahalaan na may matitirahan sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble