Panawagan ng UN Special Rapporteur na buwagin ang NTF-ELCAC, sinopla ng DOJ, NTF-ELCAC

Panawagan ng UN Special Rapporteur na buwagin ang NTF-ELCAC, sinopla ng DOJ, NTF-ELCAC

‘WAG silang makialam’. Yan ang diretsahang sinabi ni Justice Department Secretary Jesus Crispin Remulla sa rekomendasyon ni UN Special Rapporteur on Climate Change Ian Fry na buwagin na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) dahil umano sa mga pang-aabuso sa mga human rights defenders.

Ayon kay Remulla, hindi nila dapat panghimasukan ang ginagawa ng gobyerno.

Punto nito na ang NTF-ELCAC ay isang internal mechanism ng pamahalaan laban sa mga kalaban ng estado.

Hirit pa ng kalihim, malaki ang nagawa ng NTF-ELCAC laban sa mga komunista.

Kaya pagdating sa kalihim, tablado ang mungkahi na buwagin ang NTF-ELCAC.

Matatandaan na ang NTF-ELCAC ay binuo ng Duterte administration para sa mahigpit na laban dito laban sa insurhensiya.

Samantala, ang NTF-ELCAC, sinopla rin si Fry.

Sa isang pahayag ay sinabi nito na para sa interest ng hustisya at fairness, ay dapat nakipag-ugnayan muna ito sa Task Force at inalam ang mandato, operasyon, at ang direksiyon nito.

Ang nakakalungkot aniya nito na sa kabila na may mga issue ito sa NTF-ELCAC ay hindi umano ito nag-reach out o lumapit sa kanila.

“In the interest of fairness and justice, he should have raised his concerns with us to ensure that he has full appreciation of the body’s mandate, operations, and over-all directions. Sadly, even if he had issues on the NTF-ELCAC that are relevant to his report, he did not find time to do so,” pahayag ng NTF-ELCAC.

Tiniyak ng Task Force na epektibo at gumagana ang mga mekanismo nito pagdating sa karapatang pantao.

Kung lumapit lang aniya ito sa ELCAC ay naibigay sana nila ang mga accomplishment o nagawa ng Task Force para sa kapayapaan at pag-unlad ng mga far flung communities.

At marami aniya sa mga indigenous na ito ay apektado ng climate change maliban pa sa pagiging biktima ng mga terorista.

“We wish to assure him that the NTF-ELCAC is a working and effective human rights mechanism founded on the principles of good and inclusive governance and we could have helped him define it in his study. Specifically, we would have been able to provide valuable inputs on how the NTF-ELCAC has brought peace and development in far-flung communities, many of which are indigenous cultural communities greatly affected by the impact of climate change, apart from being victims of violent extremists and terrorists,” ayon pa sa NTF-ELCAC.

Follow SMNI NEWS on Twitter