Ika-6 na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa South China Sea Arbitration, ginugunita ngayon araw

Ika-6 na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa South China Sea Arbitration, ginugunita ngayon araw

GINUGUNITA ngayong araw ang ika-6 na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa South China Sea Arbitration.

Sinasabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), makasaysayan at mahalaga ang award na ito ng Pilipinas.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique A. Manalo, ang award at ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ay ang kambal na patakaran at aksyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

“Today we commemorate the 6th anniversary of the Award on the South China Sea Arbitration. More than a historic milestone whose value lies in its commemorative significance, we recall 12 July 2016 as the day that affirmed to the community of nations that the rule of law prevails, and that stability, peace and progress can only be attained when founded on a rules-based legal order on the oceans, as it should be everywhere else,” pahayag ni Manalo.

Ayon din sa kalihim, ang taong 2022 ay ang ika-40 anibersaryo rin ng adoption ng UNCLOS.

Itinakda ng UNCLOS ang legal na balangkas kung saan ang lahat ng aktibidad sa karagatan at dagat ay dapat isagawa.

Walang paraan sa pangkalahatang internasyonal na batas sa mga bagay na komprehensibong saklaw ng UNCLOS.

Matatandaan Hulyo 12, 2016 ay napagpasyahan na ang Pilipinas ay may eksklusibong mga karapatan sa soberanya sa West Philippine Sea o South China Sea  at ayon sa Permanent Court of Arbitration ang “nine-dash line” ng China ay walang katuturan.

Sinabi rin ng Tribunal na nilabag ng China ang mga karapatan ng soberanya ng Pilipinas.

 

Follow SMNI News on Twitter