Ika-66 na kaarawan ni PBBM, ipinagdiwang sa pamamagitan ng mga outreach mission

Ika-66 na kaarawan ni PBBM, ipinagdiwang sa pamamagitan ng mga outreach mission

IPINAGDIWANG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang kaniyang ika-66 na kaarawan nitong Setyembre 13 sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad.

Kabilang dito ang tree planting, feeding, medical, at dental mission na inorganisa ng “Lab for All–Lingap at Alagang Bayanihan” sa ilang lugar sa bansa.

Ito’y pinamumunuan ni First Lady Louise Araneta-Marcos.

Nagsagawa ang Lab for All ng tree planting activities sa 45 na lokasyon na may mahigit 25,000 seedlings na itinanim ng volunteers at partners mula sa One Movement Inc. at iba’t ibang local government units (LGUs).

Nakipagtulungan din ang Lab for All sa City Environment Management Office ng Bago, Negros Occidental para magsagawa ng coastal cleanup.

Nasa 200 stakeholders kabilang ang mga Cash-for-Work Program recipients, miyembro ng iba’t ibang asosasyon ng mangingisda, at LGU personnel ang nakiisa sa naturang inisyatiba.

Lumahok din ang Department of Transportation (DOTr) sa mga aktibidad kasama ang Philippine Ports Authority (PPA) at iba pang attached agencies mula sa rail sector, airports/aviation, at road sector, at iba pa.

Samantalang ang ‘medical at dental missions’ ay ginanap sa 69 na lokasyon sa Pilipinas kung saan 62,130 benepisyaryo ang lumahok.

Ang mga ito ay co-organized ng 21 LGU-partners pati ang 70 partners mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nagbigay ng mga libreng gamot at multivitamins.

Ang Feeding Program naman ay inilunsad sa 23 lokasyon na may 28,500 benepisyaryo habang ang ‘milk letting activities’ ay ginanap din sa tatlong magkakaibang lokasyon na may 150 benepisyaryo.

Nag-donate din ang grupo ng mga ‘sewing machine’ sa natukoy nitong 43 benepisyaryo bilang bahagi ng pagdiriwang.

Ang mga kliyente naman sa Presidential Action Center (PAC) ay binigyan ng mga food pack.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter