DUMATING na ang ikalawang relief team ng South Korea sa Turkiye upang palitan ang first team na nag-assist ng tulong sa nasabing bansa.
Ang ikalawang team na dumating sa Adana Airport ay umalis mula sa Incheon Airport noong Huwebes.
Kung ang unang relief team ay karamihan na mula sa military at South Korean National Fire Agency, ang ikalawang team ay binubuo naman ng 21 public health experts.
Noong Miyerkules, inihayag ng Minister of Foreign Affairs na ang ikalawang team ay magpopokus sa pagbabalik ng mga aktibidad sa Turkiye.
Samantala, nagdala rin ang ikalawang team ng ilang karagdagang relief materials kasama sa military aircraft na nagdala ng team sa Turkiye, 2 pang eroplano ang ipapadala sa Turkiye para magdala ng isang 1,030 tents, higit 3 libong kumot at higit 2 libong sleeping bags.