Ilan sa mga alkalde sa Cagayan, suportado ang EDCA sites sa kanilang lalawigan

Ilan sa mga alkalde sa Cagayan, suportado ang EDCA sites sa kanilang lalawigan

SUPORTADO ng League of Municipalities of the Philippines-Cagayan Chapter ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Batay ito sa resolusyon na pirmado ng 19 mula sa kabuoang 28 alkalde sa Cagayan.

Nabatid na 2 sa 4 na karagdagang EDCA sites ang matatagpuan sa lalawigan kabilang ang Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan at Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan.

Naniniwala ang mga alkalde na mapapabilis ang pagbibigay ng tulong sa usapin ng humanitarian at climate-related disasters.

Gayundin ang pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa lalawigan.

Matatandaan na tinututulan ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang EDCA sites sa kanilang lalawigan.

Follow SMNI NEWS in Twitter