SA pamamgitan ng kanilang 205th Tactical Helicopter Wing Air Assets, rumisponde na ang Philippine Air Force (PAF) sa mga lugar na aperktado ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.
Katuwang ng Air Force ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 7 at Office of Civil Defense (OCD) Region 6. Ang mga nabanggit na ahensiya ay nagsasagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA).
Maliban dito gamit din sa ginagawang RDANA mission ang isang Bell 412 at isang UH-1h helicopter, layon nitong i-asses ang sitwasyon sa mga apektadong lugar kagaya ng Moises Padilla, La Carlota, La Castellana, Bago City, at Canlaon City sa Negros Occidental.
Ang nasabing operasyon ay mahalaga sa pangangalap ng mga impormasyon at visuals upang malaman ang danyos at kinakailangan ng mga apektadong lugar.
Dahil sa pangyayari at kaugnay narin sa pangako ng Airforce sa Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR), ay inilagay na ang kanilang Disaster Response Team Units (DRTUS), fixed-wing aircraft, at rotary-wing helicopters sa high alert status.