Ilang Angkas bikers, kinilala dahil sa dedikasyon sa serbisyo para sa bayan

Ilang Angkas bikers, kinilala dahil sa dedikasyon sa serbisyo para sa bayan

KINILALA dahil sa dedikasyon sa serbisyo para sa bayan ang ilang Angkas bikers.

Binigyan ng parangal ng kilalang ride hailing app na Angkas ang kanilang mga rider na nagpamalas ng kakaibang diskarte, dedikasyon at serbisyo bilang Angkas biker sa kalsada.

Ito’y sa pamamagitan ng Tagumpay Night na may temang “Gabi ng Parangal para sa mga Liga ng Lodi”.

Pinangunahan ito ni George Royeca, CEO at Angeline Tham, co-founder ng nasabing kompanya.

Ilan sa mga natanggap na gantimpala ng mga Angkas biker ay puhunan para sa napiling ikalawang negosyo, scholarship para sa kanilang mga anak at iba pa.

Nasa 5 Angkas bikers ang itinanghal bilang Rookie of the Year, tig-10 Angkas bikers naman ang nakakuha ng Pioneer Bikers at Service Awards at 11 Angkas bikers ang nakakuha ng Pandayan Awards.

Habang 6 na Angkas bikers naman ang masuwerteng nakakuha ng Angkasosyo Awards na nagkakahalaga ng P40,000 bilang panimula sa pagnenegosyo.

4 naman na Angkas bikers ang napili at nakatanggap ng Pamana Awards para sa scholarship na nagkakahalaga naman ng P50,000 at 1 Angkas biker ang nakakuha ng brand new motor.

Pero, highlights sa nasabing aktibidad ang pinakamalaking papremyo na ipinamigay ng kompanyang Angkas sa isa sa kanilang Angkas biker.

Ito ay ang bago at fully furnished na house and lot na matatagpuan sa Cainta, Rizal.

Emosyonal na umakyat sa entablado ang Angkas biker na napili ng kompanya na makatanggap ng bagong house and lot.

Ayon sa mag-asawang Atmayaga, isa lamang ito sa kanilang pangarap na magkaroon ng sariling bahay.

Binigyang-diin naman ng CEO ng kompanyang Angkas ang kahalagaan kung bakit kailangan kilalanin ang mga natatanging serbisyo ng mga biker para sa mga Pilipino.

Bukod sa makatulong sa pamamagitan ng pagbibigay trabaho, nais din ng Angkas na mapataas ang pamumuhay ng kanilang sektor.

Matatandaan, nagsimula ang ride hailing app na ANgkas noong Disyembre 2016.

At sa halos 7 taon ng Angkas sa bansa ay aabot na sa higit 30,000 ang kanilang mga biker sa buong bansa.

Makakaasa aniya ang taumbayan na pag-iibayuhin pa lalo ng Angkas ang kanilang serbisyo para sa mga Pilipino.

Ito ang “Angkas Padala”, “Angkas Pabili” at “Angkas Passenger”.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble