Ilang assets ng PNP, itatapat sa sunud-sunod na tigil-pasada ng ilang transport group

Ilang assets ng PNP, itatapat sa sunud-sunod na tigil-pasada ng ilang transport group

HANDANG tapatan ng Philippine National Police (PNP) ng kanilang mga assets ang sunud-sunod na tigil-pasada ng ilang transport group kaugnay sa kanilang pagtutol sa Jeepney Modernization Program ng pamahalaan.

Sa panayam ng media kay PNP PIO chief PCol. Jean Fajardo, tiniyak nito na aalalay ang PNP sa mga commuter na maaapektuhan ng transport strike.

Ayon sa PNP, mayroon silang sapat na mobility assets na ipinakalat para sa Libreng Sakay katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Napag-alaman na tatagal hanggang Biyernes ang transport strike ng grupong Manibela sa kahilingan ng mga ito na mapalawig ang consolidation ng Public Utility Vehicle Modernization Program.

Mga makakaliwang grupo, babantayan ng PNP kasabay ng sunud-sunod na tigil-pasada sa Metro Manila

Samantala, bukod sa mga tsuper, isa rin sa mga babantayan ng PNP ang ilang propagandista o mga organized group na posibleng maging dagdag na problema sa transportasyon sa gitna ng nasabing tigil-pasada.

Sa kabilang banda, umabot sa 800 na mga pasahero ang nakinabang sa Libreng Sakay ng PNP bukod pa ito sa suporta ng bawat local government unit (LGU) ng Metro Manila para sa mga maaapektuhang manggagawa at mananakay.

Sa huli, tanging panawagan aniya ng PNP sa mga jeepney driver at operator ay sumunod sa batas at igalang ang desisyon ng mga tsuper na piniling pumasada sa kabila ng transport strike.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble