Mga kondisyon ng ilang transport group sa PUV modernization program, handang pagbigyan—LTFRB

Mga kondisyon ng ilang transport group sa PUV modernization program, handang pagbigyan—LTFRB

KINUMPIRMA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na handa silang mag-adjust sa gusto ng ilang transport group kaugnay sa PUV Modernization Program.

Sa panayam sa media, sinabi ni LTFRB spokesperson Celine Pialago na mayroong apat na hiniling ang grupong PISTON sa dayalogo nito kay Chairperson Teofilo Guadiz, III, araw ng Lunes.

Pero, tatlo rito ang kaya lang aniyang pagbigyan ng ahensiya.

Kabilang ang pag-waive sa penalties, pagpapalawig sa validity ng kanilang prangkisa hanggang 5 taon, at ang pagrebisang muli at pag-alis ng ilang probisyon sa Omnibus Franchising Guidelines.

Hirit na ibasura ang Dec. 31 PUV modernization deadline, non-negotiable —LTFRB

Pero, binigyang-diin ng tagapagsalita ng ahensiya na non-negotiable na ang isang hirit ng PISTON na tuluyang ibasura ang consolidation process.

Paliwanag ni Pialago, maaari lamang unahing ipasa ng PUV operator o drayber ang kanilang petition for consolidation hanggang sa katapusan ng Disyembre upang matiyak ng LTFRB ang kanilang intension na pumasok sa kooperatiba.

Ang Guadalupe-FTI Association ay handang pumasok sa kooperatiba para sa PUV Modernization Program.

Hiling lamang nila para mas mabigyan pa ng pansin ang hinaing ng grupo ng PISTON.

Kinumpirma rin ni Pialago na nagkaroon ng pagpupulong si Chairman Guadiz kasama ang grupo pasado 2:00 ng hapon, Nobyembre 21.

Personal na iisa-isahin ng LTFRB chief kay Atty. Ariel Inton na tumayong abogado ng PISTON ang guidelines at proseso hanggang sa magkaroon ng kompromiso ang dalawang panig.

Muli ring ipakikiusap ni Chairman Guadiz sa grupong PISTON na tuluyan nang itigil ang kanilang transport strike.

DOTr Sec. Bautista, iginiit na hindi totoo ang jeepney phaseout sa Dec. 31

Samantala, sa inilabas naman na pahayag ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista, iginiit nito na hindi totoong may jeepney phase-out.

“No phase-out of traditional jeepneys after Dec. 31, 2023. Traditional units that are deemed roadworthy may continue to operate,” ayon kay Sec. Jaime Bautista

DOTr.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble