NAGAWA mo na bang mag-Soda Pop?
O baka huli ka na sa trend?
Sikat na sikat na ang dance craze ng Netflix animated film na Kpop Demon Hunters kaya naman pati ang SB19 ay kumasa na rin sa challenge. Siyempre, kayang-kaya ng boy group ‘.
Unang nag-SODA POP ang miyembro ng SB19 na si Justin at kpop na kpop ang dating. Pero mas malupit kung kasama ang buong tropa.
Tuwang-tuwa naman ang A’Tin sa dance moves ng grupo kaya inulan ng magagandang komento ang kanilang video sa social media.
Hindi lang SB19, dahil nakisali rin sa trend ang kapwa P-pop group na BGYO.
Ikinatuwa rin ito ng kanilang fandom at nakakuha na ng mahigit seven hundred thousand views.
Ang Kpop Demon Hunters ay isang exclusive Netflix animated musical fantasy na hatid ng Sony Pictures Animation, directed by Maggie Kang at Chris Appelhans at nailabas noong June 20 ngayong taon.