Ilang Filipino artists, pinarangalan sa 15th Ani ng Dangal Awards

Ilang Filipino artists, pinarangalan sa 15th Ani ng Dangal Awards

PINARANGALAN sa ginanap na 15th Ani ng Dangal Awards ang ilang Filipino artists na nagpamalas ng husay sa larangan ng pelikula, musika, sayaw, visual arts, broadcast arts, at arkitektura sa bansa.

Kinilala ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) kasabay ang pagtatapos ng pagdiriwang ng National Arts Month sina Dolly de Leon, Joaquin Domagoso, Jeric Gonzales, Geraldo Jumawan, at Billy Crawford bilang pagkilala sa kanilang naging kontribusyon sa larangan ng sining sa bansa.

Ang taunang parangal, na tinatawag ding Harvest of Honor, ay isang pagkilala ng estado na ibinibigay ng NCCA bilang pagtatapos ng National Arts Month na ipinagdiriwang tuwing Pebrero.

Lahat ng 33 na tumanggap ng Ani ng Dangal Award ay binigyan ng stylized Sarimanok trophies na nililok ng National Artist for Visual Arts na si Abdulmari Imao.

Follow SMNI NEWS in Twitter