Pilipinas at 140 bansa, nanawagan sa Russia na umalis sa Ukraine

Pilipinas at 140 bansa, nanawagan sa Russia na umalis sa Ukraine

NANAWAGAN ang mahigit 141 na bansa kabilang ang Pilipinas sa Russia na umalis sa Ukraine.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang Pilipinas ay patuloy na nananawagan sa mga partido na ayusin ang tunggalian sa pamamagitan ng mapayapang paraan at diplomatiko.

Isang taon mula nang ilunsad ng Russia ang special military operations nito sa Ukraine.

Samantala ayon kay DFA spokesperson Ma. Teresita Daza, ang Pilipinas ay nagpahayag ng kanyang prinsipyong paninindigan sa Ukraine at patuloy na bumoto pabor sa limang naunang resolusyon ng UN sa Ukraine na muling nagpapatibay sa suporta ng bansa para sa soberanya, teritoryal na integridad at kalayaang pampulitika ng Ukraine at iba pang mga estado ng UN.

Follow SMNI NEWS in Twitter