PINANGUNAHAN ng Filipino actors na sina Empress Schuck at Baron Geisler ang paghingi ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyo.
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Empress na isa ang Zamboanga, kung saan kasalukuyang nakatira ang aktres, sa pinaka naapektuhan ng bagyo.
Ibinahagi rin nito ang isang “Piso Galing sa Puso” initiative upang makapagbigay ng tulong hindi lamang sa pamamagitan ng pera kundi pati na rin sa mga kagamitan at medisina.
Samantala, ang aktor na si Baron Geisler ay nagpaabot ng pagtulong sa pamamagitan ng dalangin para sa mga nasalanta.
Sa huling ulat, aabot sa 158 na lungsod at munisipalidad ang idineklarang nakasailalim sa state of calamity kasunod ng pananalasa ng Bagyong Paeng.