Baron Geisler, nagtapos na sa kolehiyo

Baron Geisler, nagtapos na sa kolehiyo

NAGTAPOS na sa college ang aktor na si Baron Geisler sa Bachelor’s Degree in Theology.

Ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram account ang kanyang larawan na tumanggap ng diploma at nakasuot ng toga.

Nangyari ang graduation ceremony kahapon na ginanap sa All Nation College sa Antipolo, Rizal.

Nakasulat naman sa caption ng post, “My journey has reached its goal and opened a way before me. Thank you, Lord!”

Nagpasalamat din ang aktor sa kanyang mentor na pinangalanan nitong si Dr. Eph.

Sinabi pa ng aktor na nasagot na ng Panginoon ang kanyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.