Ilang kalsada, tulay sa bansa, hindi pa madaanan—NDRRMC

Ilang kalsada, tulay sa bansa, hindi pa madaanan—NDRRMC

HINDI pa rin madaanan ang ilang kalsada matapos ang epekto ng Bagyong Egay sa ilang rehiyon sa bansa.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 71 mula sa 399 road section ang hindi pa rin accessible sa mga motorista.

Karamihan ito ay matatagpuan sa Ilocos Region na umaabot sa 32 road sections.

Habang 23 road sections ang sarado pa rin sa mga motorista sa Cordillera Administrative Region (CAR), at 10 sa Central Luzon.

May tatlo ring tulay sa Ilocos Region ang hindi rin madaanan.

Patuloy ang ginagawang clearing operations ng mga awtoridad upang matiyak na mabilis na maihahatid ang tulong sa mga naapektuhang lugar.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter