PNP Chief Acorda, pinangunahan ang ika-31 anibersaryo ng PCADG

PNP Chief Acorda, pinangunahan ang ika-31 anibersaryo ng PCADG

NAGSILBING panauhing pandangal si PNP chief PGen. Benjamin Acorda, Jr. sa pagdiriwang ng ika-31 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG), araw ng Lunes Hulyo 31, 2023.

Sa kaniyang talumpati, pinuri nito ang pamunuan ng PCADG dahil sa serbisyo nito sa mga komunidad sa pamamagitan ng mga pagbibigay ng tulong at suporta hindi lang sa kabuhayan ng mga Pilipino kundi maging sa seguridad ng mga ito.

Hinimok din ng heneral ang mga tauhan ng grupo na ipagpatuloy ang kanilang mga hakbangin na maipaabot ang programa ng PNP at ng pamahalaan lalo na sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong.

Sa kabilang banda, buong pagmamalaking inulat ng PCADG ng kanilang accomplishments sa publiko na naging daan na mapalapit pa lalo ang tiwala ng publiko sa mga kapulisan sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter