SUSPENDIDO pa rin ang ilang klase sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas dahil sa Bagyong Betty ngayong, Mayo 30.
Batay sa weather forecast ng Department of Science and Technology (DOST)-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang palalakasin ng Bagyong Betty ang hanging habagat na posibleng magdala ng pag-ulan sa ilang lugar sa bansa ngayong araw.
Dahil dito, sinuspendi pa rin ng iba’t ibang lokal na pamahalaan ang mga klase.
Sa Cagayan Valley, suspendido ang mga klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Alcala, Gonzaga, Pamplona, Santa Praxedes at Claveria sa Cagayan, Batanes, at mula kindergarten to Grade 12 sa Tuguegarao.
Walang pasok dahil sa Bagyong Betty
(30 May 2023)
Cagayan Valley
* Alcala, Cagayan: All levels (private and public)
* Gonzaga, Cagayan: All levels (private and public)
* Pamplona, Cagayan: All levels (private and public)
* Santa Praxedes, Cagayan: All levels (private and public)
* Claveria, Cagayan: All levels (public and private)
* Batanes: All levels (public and private)
* Tuguegarao: Kindergarten to Grade 12
Sa Ilocos Region, suspendido ang lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at mula preschool hanggang highschool sa Pozorrubio, Pangasinan.
Walang pasok dahil sa Bagyong Betty
(30 May 2023)
Ilocos Region
* Ilocos Sur: All levels (public and private)
* Ilocos Norte: All levels (public and private)
* La Union: All levels (public and private)
* Pozorrubio, Pangasinan: Preschool to Highschool
Sa Cordillera Administrative Region naman, suspendido ang klase sa Baguio City, La Trinidad at Tuba, Benguet, at Bontoc, Mountain Province mula preschool hanggang elementary sa pampubliko at pribadong paaralan. Sa Abra ay walang pasok mula preschool hanggang senior high school habang suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Apayao Province.
Walang pasok dahil sa Bagyong Betty
(30 May 2023)
Cordillera Administrative Region
* Baguio City: Preschool to Elementary (public and private)
* La Trinidad, Benguet: Preschool to Elementary (public and private)
* Tuba, Benguet: Preschool to Elementary (public and private)
* Bontoc, Mountain Province: Preschool to Elementary (public and private)
* Abra: Kinder to Grade 12 (public and private)
* Apayao Province: All levels (public and private)
Wala ring pasok sa ilang bayan sa Antique.
Walang pasok dahil sa Bagyong Betty
(30 May 2023)
Western Visayas
* Pandan, Antique: All levels (public and private)
* San Jose de Buenavista: All levels (public and private)
* Hamtic, Antique: All levels (public and private)
* Sibalom, Antique: Preschool to Senior High School