Ilang kompanya ng langis, may panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo

Ilang kompanya ng langis, may panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo

MAY panibagong taas-presyo sa kanilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis simula ngayong araw, Martes, Disyembre 26, 2023.

Batay sa abiso ng Cleanfuel, may P1.60 ang kanilang itataas sa kada litro ng gasolina habang P1.70 naman sa diesel.

Epektibo ito mamayang alas kwatro ng hapon.

Kaparehong pagtaas din ang ipatutupad ng kompanyang Shell, pero may dagdag din ito na P1.54 sa kada litro ng kerosene.

Inaasahan naman ngayong araw ang abiso kaugnay sa taas-presyo ng kanilang produktong petrolyo ang iba pang kompanya ng langis.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble