Pagdiriwang ng Pasko sa bansa, pangkalahatang mapayapa—PNP

Pagdiriwang ng Pasko sa bansa, pangkalahatang mapayapa—PNP

NAGING payapa sa pangkalahatan ang pagdiriwang ng Pasko ng sambayanang Pilipino.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief, P/Col. Jean Fajardo, “generally peaceful” ang selebrasyon ng Pasko sa bansa at wala silang naitalang anumang “untoward incident” sa nakalipas na magdamag.

Samantala, sa mensahe ni PNP chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr., tiniyak nito ang buong pusong pagli­lingkod ng kaniyang mga pulis para sa peace and order at kaligtasan ng publiko.

Nakikiisa aniya ang mahigit 232,000 pu­wersa ng PNP ngayong yuletide season.

Habang patuloy rin ang pagbabantay ng pulisya sa bansa hanggang sa pagsalubong sa Bagong Taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble