Ilang lugar sa Malate, Ermita, makararanas ng power interruption sa Sabado

Ilang lugar sa Malate, Ermita, makararanas ng power interruption sa Sabado

MAKARARANAS ng power interruption ang ilang lugar ng Malate at Ermita sa Manila simula Agosto 26.

Sa abiso ng Manila Electric Company  (Meralco), magsisimula ang power interruption simula 8:30 ng umaga hanggang 2:30 ng hapon.

Maaapektuhan nito ay ang portion ng Cuarteles at Pedro Gil St. mula Roxas Boulevard East Service Road papuntang Marcelo H. del Pilar St. kasama na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Ermita, portion ng M.H. del Pilar mula Soldado St. sa Ermita papuntang Remedios St. kasama ang Rajah Sulayman Park, Ramon Magsaysay Center, New Coast Hotel Manila, at Diamond Hotel sa Malate.

Kasama rin ang portion ng Quintos at Sinagoga St. mula M.H. del Pilar St. kasama ang A. Mabini St. sa Malate, at portion ng Remedios St. mula Roxas Boulevard papuntang M.H. del Pilar.

May iilang lugar din ang mawawalan ng power supply simula 8:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga, at 2:00 – 2:30 ng hapon.

Ang mga lugar na ito ay ang A. Mabini St. mula Sinagoga St. papuntang San Andres St. kasama na ang Our Lady of Remedies Parish Church, Grand Yoko Red Planet Hotels, at Metropolitan Tower sa Malate; portion ng Madre Ignacia St. mula Adriatico Interior St. papuntang San Andres St. kasama ang 1775 Adriatico Suites Manila sa Malate, portion rin ng Remedios St. mula M. H. del Pilar St. papuntang Madre Ignacia St. kasama ang 18 1/2 Bar & Restaurant sa Malate, at ang portion ng San Andres Street mula Madre Ignacia Street papuntang M. H. del Pilar St. kasama ang Malate Catholic School Girls Department, Ma. Daniel Building, at Aristocrat Restaurant sa Malate.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble